H I L A G A N G A S Y A
- Ang Hilagang Asya ay kilala rin bilang Sentral Asya.Ito ay binubuo ng sampung bansa at ito ay ang Kazakhstan,Kyrgyzstan,
Turkmenistan,Uzbekistan,Tajikistan,Georgia,Azerbai-jan,Armenia,Mongolia at Siberia. - Ang Hilagang Asya ay may continental cli-
mate kaya maaring ang vegetation cover nito ay Tundra,Taiga,Steppe at Prairie. - Mayaman ang Hilagang Asya ng troso,ginto,natural gas,phospate,langis,tri-
go,palay,barley at mga pagkain na maku-
kuha sa baka at tupa.
K A N L U R A N G A S Y A
- Ang Kanlurang Asya ay binubuo ng mga bansang Saudi Arabia,Lebanon,Jordan,Syria,Iraq,Kuwait,Yemen,Turkey,Oman,UAE,Qatar,Bahrain,Iran,Isael at Cyprus.
- Ang Kanlurang Asya ay di gaanong nakakaranas ng ulan at mahaba ang tag-init.Maaaring Savanna ang vegetation cover na matatagpuan dito.
- Ang Kanlurang Asya ay sagana sa langis at petrolyo.Karamihan sa mga bansa sa rehiyong ito ay may natural gas,tanso,bauxite,
potash,zinc,magnesium,phospate at iba pa.Sa agrikultura naman,pangunahing produkto nila ang trigo,barley,palay,bulak,
mais,tabako at mga prutas.
S I L A N G A N G A S Y A
- Ang Silangang Asya ay binubuo ng China,Japan,North Korea,South Korea at Taiwan.
- Ang Silangang Asya ay may klimang mahalumigmig o malamig kaya maaaring ang vegetation cover nito ay tundra,taiga,steppe o prairie.
- Ang Silangang Asya ay mayaman sa antimony,magnesium,
tungsten at karbon.Pangunahin na pananim nila ang palay.Ang anyong tubig ay nililinang din para sa kapakinabangan ng mga nakatira dito.
T I M O G -S I L A N G A N G A S Y A
- Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-regions ; ang mainland at insular.Binubuo ng Thailand,Cambodia,Myanmar,Vietnam at Laos ang mainland.Pilipinas,Malaysia,Indonesia,Brunei ang sa Insular.
- Ang Timog-Silangang Asya ay may tropical climate na nangangahulugan na may mga tropical rainforest bilang vegetation cover.
- Ang Timog-Silangang Asya ay may malawak na kagubatan.Madaming puno dito tulad na lang ng teak,apitong,yakal,lauan,kamagong,ipil,pulang narra,mayapis at iba't-ibang species ng dapo.Isa ang Pilipinas sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra.Ang kalabaw,baka,baboy,kabayo,kambing at manok ang karaniwang inaalagaang hayop.Malaki ang deposito ng langis at natural gas sa rehiyong ito.Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa hydroelectric power na siya namang pinagkukunan ng kuryente.
T I M O G A S Y A
- Ang Timog Asya ay binubuo ng mga bansang Afghanistan,Bangladesh,Bhutan,
India,Maldives,Nepal,Pakistan at Sri Lanka. - Ang Timog Asya ay may temperate climate at maaaring SavannaRainforest ang vegetation cover dito.
- Pagsasaka ang pangunahing pamumuhay sa Timog Asya.Palay,trigo,jute,tubo at mga gulay ang mahalagang produkto dito.Pinakamahalagang likas sa rehiyong ito ang lupa.Malaki ang reserba nila ng karbon at bakal.Hitik ang rehiyong ito sa mahogany at iba't-ibang uri ng palm.